Sumugal

Gabriel Abilla, John Kennard Balmores, Charles Uno Bautista, Neil John Gerardo Subong

Mga panalangin sana naman ay matupad
Ako walang kasalanan at marunong malugar
At para sa'yo baby alam mo na handa ako sumugal sumugal
Mga panalangin sana naman ay matupad
Ako walang kasalanan at marunong malugar
At para sa'yo baby alam mo na handa ako sumugal sumugal

At ako'y sugalero tignan mo terno tayo pagka magkatabi
Tag isang hati na sa dila nalusaw tanggal ang uhaw nakatawid
Tanggalin damit masakit man 'di na lang muna sa susunod na lang
Pagpupuntos na lang pagka-upos na lang pansariling gamit mo baby

Dadalhin ko sa langit kung sakaling pangit timpla mo baby
Tila may yero sa gitna natin neto'y 'pag nakaharap sa'kin
Kahit na pilitin ko baliin ko ang usapan bumabalik pa rin sa kung pa'no ba ako aamin
Ako walang kasalanan bakit 'di ka sa'kin tumuloy oh

Lumubog na sa kumunoy mo tila palaisapan sa'ting dalawa kung pa'no pa ba natin itutuloy 'to
O ang mga tinatago ko sa'yo ngayon kalat 'di alam kung aabante ba ako o aatras

Mga panalangin sana naman ay matupad
Ako walang kasalanan at marunong malugar
At para sa'yo baby alam mo na handa ako sumugal sumugal
Mga panalangin sana naman ay matupad
Ako walang kasalanan at marunong malugar
At para sa'yo baby alam mo na handa ako sumugal sumugal

Kung alam mo lang kung ga'no kasarap sa pakiramdam
Na ikaw ay pagmasdan na kumikinang kada titignan
Sa tuwing nabibitin palagi ang amats sabay nating titikman
Lumabas na sa'yong bibig oh baby 'di mo ako malilinlang

Kaya 'wag mong ibibintang dahil 'di ako ang mali
Kung sakali man na mawala ka pa sa'kin ay hindi 'yon madali
Ngayon pusong malamig ang pangalan mo lang ang binabanggit
Pwedeng pabalik alam ko na nasasabik baby

Wala 'kong makita 'di maiwasan kahit na mali na
May dala siya na aliling na ako lang ang pwede na makatikim ah
Tayo lang ang nakakaalam tayo lang at wala nang iba
Panalangin sana masagot na sa akin ay hindi ka na mawala

Mga panalangin sana naman ay matupad
Ako walang kasalanan at marunong malugar
At para sa'yo baby alam mo na handa ako sumugal sumugal

Mga panalangin sana naman ay matupad
Ako walang kasalanan at marunong malugar
At para sa'yo baby alam mo na handa ako sumugal sumugal

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Hev Abi

Autres artistes de Alternative hip hop