Sana [Single]

Argee Guerrero

Umuwi lang tila ba'ng lahat nagbago na nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi kahit na magdamag na tayong magkatabi

Bakit ka nag-iba meron na bang iba

Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kitang umalis umalis

Binibilang ang hakbang hanggang wala ka na nagbabakasakaling lilingon ka pa
Hindi na ba mababalik ang mga sandali mga panahong may lalim pa ang 'yong ngiti

Bakit ka nag-iba meron na bang iba

Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kita

Sana sinabi mo para ang mga ayaw mo'y aking iibahin
Diba sinabi mo basta't tayong dal'wa'y sasaya ang mundong mapait
Diba sinabi ko gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli
Biglang nalaman ko may hinihintay ka lang pa lang bumalik

Sana sinabi mo dahil di ko maisip ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo para di na umibig ang puso kong muli
Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kita
Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] I Belong To The Zoo

Autres artistes de Asiatic music