Punong Kahoy

Abot sa langit ang iyong taas
Mga sanga mo at dahon ay nakalatag
Nagsisilbing damit ng daigdig
At tahanan ring nagagamit

Noon isa ka lamang binhi
Walang tiyak kung tutubo man o hindi
Sa tulong ng ulan at ng araw
Ang usbong mo'y nagsimulang lumitaw

Punong kahoy nagbibigay lilim
Nagbibigay ng prutas na makakain
Punong kahoy kung ating puputulin
Sana nama'y muling magtanim magtanim

Tayo puno magtanim
Tayo punong kahoy magtanim
Punong kahoy magtanim

Libong taon ka nang nakatayo
Nakasubaybay sa tao
Ang hangin ay nililinis mo
Upang maging sariwa ang simoy nito

Ang malalaking ugat mo nakakapit ng husto
Sa lupa upang di ito basta gumuho
Punong kahoy magtanim tayo

Punong kahoy nagbibigay lilim
Nagbibigay ng prutas na makakain
Punong kahoy kung ating puputulin
Sana nama'y muling magtanim tayo

Punong kahoy nagbibigay lilim
Nagbibigay ng prutas na makakain
Punong kahoy kung ating puputulin
Sana nama'y muling magtanim magtanim

Puno ng bayabas puno ng mangga
Puno ng niyog puno ng papaya
Puno ng saging puno ng acacia
Puno ng narra at marami pang iba

Puno na raw ng polusyon ang mundo ngayon
At ang pagtatanim ang isa sa mga solusyon
Pero pano kaya kung wala nang mapagtamnan
At ubos na ang lahat ng puno at halaman

Malamang mag-aagawan ang hayop at tao
Sa oxygen tank bilang alternatibo
At ang iba pang epekto ay hindi ko na isisiwalat
Itong alay ko sa mga tanim bilang pasasalamat

Puno puno punong kahoy magtanim
Puno puno punong kahoy tayo'y magtanim
Puno puno punong kahoy magtanim
Puno puno punong kahoy tayo'y magtanim

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jaba

Autres artistes de Reggae music