Diliryo Sa Kalbaryo

Gerard Ervin Baldo

Ang iyong ngiti
Ay parang kalawit
Nangangalabit
Nagpapahiwatig
Ang iyong bulong
Ay parang awit
Humahalinghing
Ito ay nang aakit

Sa isang katulad ko
Ako'y iyong alipin
Ang iyong pasakit
Ay kay sarap damhin

Ikaw ang apoy
Ng aking impyerno
Ikaw ang reyna
Ng aking demonyo

Diliryo sa Kalbaryo

Ang iyong mata
Ay parang labaha
Nanghihiwa
Ako'y pinapa asa
Ang iyong kuku
Ay parang karayum
Bumabaon
Ang huling tugon

Sa isang katulad ko
Ako'y iyong alipin
Ang iyong pasakit
Ay kay sarap damhin

Ikaw ang apoy
Ng aking impyerno
Ikaw ang reyna
Ng aking demonyo

Diliryo sa Kalbaryo
Diliryo sa Kalbaryo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jack Hammer

Autres artistes de Rock'n'roll