SITWASYONSHIP
Ano ba ang tawag sa di ko nga syota
Pero kayakap ko naman sa gabi
Nagtatawanan nag-iinuman
Ibang-iba kung tayo'y magkatabi
Matagal na magkaibigan
Ba't ayaw nya pang simulan
Di naman kailangang ligawan
Sayong-sayo na ako
Giliw mukha ba 'kong di kasugal-sugal
Giliw hindi mo ba ko papanindigan
Ano pa ba ang hanap mo
Sabihin mo lang kakayanin ko (magsabi ka lang magsabi ka lang)
Aamin na'ko hindi pa tayo
Ang labo-labo isa lang ang klaro
Sayong sayo na ako
Daming nag-aakala
Hindi nga magsyota
Pero kung makatext oh
'Kala mo naman
Tawag nang tawag kasi merong problema
Alas 3 na pero ge papunta na
Antagal na nating kaibigan
Ba't ayaw mo pang mag-ibigan
Di naman kailangang ligawan
Eto ako sayong sayo
Giliw mukha ba 'kong di kasugal sugal
Giliw hindi mo ba ko papanindigan
Ano pa ba ang hanap mo
Sabihin mo lang kakayanin ko (magsabi ka lang magsabi ka lang)
Aamin na'ko hindi pa tayo
Ang labo-labo isa lang ang klaro
Sayong sayo na ako
Wala kasing bawal
Takot sigurong sumugal
Unang mahulog ay talo
Seryosong may halong laro
Aamin na'ko hindi pa tayo
Ang labo-labo isa lang ang klaro
Sayong-sayo na ako