Milagro
Oh alas tres ng umaga tila tulala nagising naalimpungatan
Pabulong sa bituing makinang hiniling ko sa buwan at baka lang pagbigyan
Masama ba namang pangarapin na tayong dalawa ang magkatuluyan
O mapanaginipan
Saking mundo may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana nagbabakasakali
Nang biglang may nangyari
Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado sagrado
Parang may nangyaring milagro
Madalas madulas mailap mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba malamang ang damdaming nararamdaman
Alapaap sa layo'ng pangarap ang aking dasal na pagmamahalan
Di ko kayang labanan
Saking mundo may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana nagbabakasakali
Nang biglang may nangyari
Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado sagrado
Parang may nangyaring milagro
Saking mundo may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana nagbabakasakali
Nang biglang may nangyari
Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado sagrado
Parang may nangyaring milagro
Oh milagro (parang nabuksan ang bintana ng langit)
Oh milagro (parang nag-iba na ang ihip ng hangin )
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado sagrado
Parang may nangyaring milagro
Oh (madalas madulas mailap mabigat tanggapin ang katotohanan)
Oh milagro (na ikaw at ako ay iba malamang ang damdaming nararamdaman)
Madalas madulas mailap mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba malamang ang damdaming nararamdaman