Bakit 'Di Mo Sabihin

Bakit 'di mo sabihin
Oh yeah
Bakit 'di mo sabihin

'Di ko maintindihan
Kung ano ang aking laging nararamdaman
Kapag ika'y kapiling ko
Kilos ko'y naging iba
Kung mapigil ang kaba
'Di kaya ako sa'yo'y may gusto

Ikaw kaya ay ganyan din
Iniisip ako kaya
At iniisip mo rin
'Di mapakali ka pa
Nariyan ka na
Kilos ko'y naging iba
Damdaming kay saya
Puso ko'y nagtatanong
Ano bang hinihintay

Bakit 'di mo sabihin
Na ako'y iyong mahal
Na ako ang pinangarap
Ng kay tagal

Bakit 'di mo mapansin
Na ako'y may pagtingin
At minimithi na ika'y mapasakin
Bakit 'di mo sabihin
Na ako'y iyong mahal
Na ako'y iyong mahal woah

Sabihin mo sana
Mahal kita
Sabihin mo sana
Sa puso'y walang iba
Bakit 'di mo sabihin
Puso ko'y naghihintay
Bakit 'di mo sabihin
Tayo na mabuhay
Wooh

Bakit 'di mo sabihin
Na ako'y iyong mahal
Na ako ang pinangarap
Pangarap ng kay tagal

Bakit 'di mo mapansin
Na ako'y may pagtingin
At minimithi na ika'y mapasakin
Bakit 'di mo sabihin (oh)
Na ako'y iyong mahal aking mahal
Na ako ang pinangarap
Pinangarap ng kay tagal

Bakit 'di mo napansin
Na ako'y may pagtingin
At minimithi na ika'y mapasakin
Bakit di mo sabihin
Puso ko'y naghihintay
Bakit 'di mo sabihin

Tayo na habang buhay
Bakit 'di mo sabihin
Bakit 'di mo sabihin

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jennylyn Mercado

Autres artistes de