Paboritong Tag-Ulan [Version 2]

Ang sarap ng panahon ang sarap pag umuulan
Pero kasama ko ngayon
Ang buong bayan
Gusto kong umuwi at paborito'y puntahan
Nais kong masilayan ang iyong
Kagandahan

Hawakan ang kamay at mukha mo'y pagmasdan
Maghapong magtinginan mag-ngitian magtawanan
Pisngi ay halikan at balutin ng yakap
Lagi sa isipan tuwing umuulan
Paboritong tag-ulan

Gusto kong umuwi ngayon at ikaw ay puntahan
Okay ba na hawakan ko ang 'yong mga kamay
Maglakad sa ilalim ng ulan walang tigil mag-ngitian
Magtinginan at kung ano-anong mga kwentuhan

Kaya hawakan ang kamay at mukha mo'y pagmasdan
Maghapong magtinginan mag-ngitian magtawanan
Pisngi ay halikan at balutin ng yakap
Lagi sa isipan tuwing umuulan
Paboritong tag-ulan
Darirarirara

Pagkatapos ng ulan pwede ba kitang tawagan
Sunod na pag-ambon pwede ba na puntahan
Paboritong panahon panahon ng tag-ulan
Walang katapusang yakapan

Kaya hawakan ang kamay at mukha mo'y pagmasdan (hawakan mo aking mga kamay)
Maghapon magtinginan mag-ngitian magtawanan (maghapon magtinginan magtawanan)
Pisngi ay halikan at balutin ng yakap (pisngi ay halikan at balutin ng yakap)
Lagi sa isipan tuwing umuulan (lagi sa isipan tuwing umuulan tuwing umuulan daridarira)
Paboritong tag-ulan
Paboritong tag-ulan (darirara)
Paboritong tag-ulan (darirara)
Paboritong tag-ulan (dara)
Paboritong tag-ulan (dara)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jericho Rosales

Autres artistes de Television series