Kung Sigurado Lang
Dahan-dahang bibitawan
Ang kasintahan kong mahal
Matututo rin kung pano sundin
Ang dapat gawin ng mga pusong bitin
Matuturuang tanggapin
Ngunit wag muna ngayon
Kailangan ko ng konting panahon
Wag sana nating biglain
Kung sigurado lang ako
Kung sigurado rin ikaw
Kahapon pa sana tayo bumitaw
Ngunit nandito pa ako
At nandito ka parin
Dahil kahit langit ay hindi parin
Sigurado kung tayo ay dapat
Paghiwalayin
Dahan-dahang pagaakala
Ang kasintaha'y pagbigyan
Baka sakaling sa konting sukli
Ng binabayad nating pagtitimpi
Pagibig natin ay magwagi
Kaya wag muna ngayon
Pahingi naman ng konting panahon
Wag sana nating biglain
Kung sigurado lang ako
Kung sigurado rin ikaw
Kahapon pa sana tayo bumitaw
Ngunit nandito pa ako
At nandito ka parin
Dahil kahit langit ay hindi parin
Sigurado kung tayo ay dapat
Paghiwalayin
Kapag nagtagisan ang puso ko't ang aking isipan
Ano ba ang tamang sundan
Kung sigurado lang ako
Kung sigurado rin ikaw
Kahapon pa sana tayo bumitaw
Ngunit nandito pa ako
At nandito ka parin
Dahil kahit langit ay hindi parin
Sigurado kung tayo ay dapat
Sigurado kung tayo ay dapat
Sigurado na'kong hindi pa dapat
Paghiwalayin
Sigurado na'kong hindi pa dapat
Paghiwalayin