Ayokong Masanay [feat. jikamarie]

JIREH LIM, ANGELIKA LOIS PONCE

Ayaw ko 'tong nadarama sa t'wing ikaw ay nakikita
'Di ka pa nawawala namimiss agad kita
Sa yakap mo'y 'di na makawala

Sa dami na ng aking napuntahan
Ngayon ko lang 'to tanging naramdaman
Gusto ko lagi kang mahagkan
'Di na mapigilan ang aking nadarama

Tanging ikaw ang 'di bumitaw
Sa buhay ko'y lagi lang giniginaw
Ayaw ko na sanang umibig pa
Kung masasayang lang

Ayokong masanay na nar'yan ka 'di makakaya
'Pag nawalay ka ay mahirap
Hahanap-hanapin lamang kita
Ayokong masanay kapiling ka
Baka maiwan 'di makakayang bitawan
Mamahalin lang kita nang wagas

Ayaw ko nang umibig pa mm-mm
Kung 'di kita makakasama
Ang iniiwasan ko ang mapalapit sa'yo
'Di na yata kaya pang huminto

Sa dami na ng pinagdaanan
Ikaw lang ang tanging nagpagaan
Ng pusong ito (ng pusong ito)
Nang dahil sa'yo (nang dahil sa'yo)
Umikot nang ayos ang aking mundo

Ayokong masanay na nar'yan ka 'di makakaya
'Pag nawalay ka ay mahirap
Hahanap-hanapin lamang kita
Ayokong masanay kapiling ka
Baka maiwan 'di makakayang bitawan
Mamahalin lang kita nang wagas

Ayokong masanay (oh)
Ayokong masanay (oh)
Ayokong masanay (ah oh)
Oh (mahal kita)
Ah

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jireh Lim

Autres artistes de Film score