Kulang Kulang
May isang pook
‘Di ko lang ibubulgar
Kung saang sulok
Nakasuksok
‘Ngalan ng purok
Ay Kulang-kulang
Pagka’t marami rito
Ay may kapansanan
Kulang ng daliri
Kulang ng kamay
Matang sarado at
Paang hindi pantay
Walang malaking hiwaga
Kung p’ano nagkagan’to
Dahil daw sa dinamitang
Sa dagat ibinato
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Pabuto paputok
Hanapbuhay lang
Pagnagkamali ng konti ay
Matatapyasan
Wala nang hanapbuhay
Ano pang ‘panlalaman
Sa kumakalam na tiyan
Ice-kendi na naman
Laking sakuna
‘Di lang sa katawan
Pagsabog sa ilalim
Ang lahat ay gulantang
Wasak pati bahura
Itlugan ng isda
Kaya pala wala nang huli
Dahil ba sa dinamita (oh)
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Patay lutang sa tubig
Buhay lubog sa utang
Ganyan kung maningil
Ang inutangang kalikasan
Bale ka nang bale
At ani lang nang ani
Umiikli ang pisi at
Hirap nang bumawi
Lulubog lilitaw
Tataas bababa
Hayaan mong mamunga
At muling nananagana
At ang aral na ito ay
‘Simbigat ng bato
‘Wag pasasabugan ang
Bubuhay sa iyo
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
‘Wag pasasabugan ang
Bubuhay sa iyo
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
‘Wag pasasabugan ang
Bubuhay sa iyo
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
‘Wag pasasabugan ang
Bubuhay sa iyo
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
‘Wag pasasabugan ang
Bubuhay sa iyo (oh)
Kulang-kulang
Kulang-kulang
Kulang-kulang
‘Wag pasasabugan ang
Bubuhay sa iyo