Pagsalok Ko Sa Dagat

Pagsalok ko sa dagat ang huli ko'y sampu
Pagsalok kong muli siyam na lang ang huli ko
Walo pito anim lima apat tatlo dalawa isa
Pagsalok ko minsan ay wala

Gawa ako ng bahay bahay ng isda
Dapat may makapitan ang kinakain niya
Maraming mga sulok na pwedeng itlugan
Nang sa ganu'y dumami ang isda

Pagsalok ko sa dagat ang huli ko'y wala
Pagsalok kong muli milagro may isa
Dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam sampu
Kay rami na

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Joey Ayala

Autres artistes de Neofolk