Panganay Ng Umaga [Live]

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Mga burol at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo

Lawa ilog dagat
Lamig tamis alat
Ulan agos alon
Haplos sa pisingi ng panahon

Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi hey

Ako'y tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat taga-bilang
Munting butil ng sanlibutan

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Curiosités sur la chanson Panganay Ng Umaga [Live] de Joey Ayala

Quand la chanson “Panganay Ng Umaga [Live]” a-t-elle été lancée par Joey Ayala?
La chanson Panganay Ng Umaga [Live] a été lancée en 1991, sur l’album “Panganay Ng Umaga”.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Joey Ayala

Autres artistes de Neofolk