Tulad Niyo

Noong ‘di ko pa kilala ang sarili ko
Kayo aking magulang ay kilala ko
Sa hugis ng mukha’y magkahawig tayo
Maraming nagsasabing ako’y tulad n’yo

Tulad ng araw kayo ang liwanag
Tulad ng buwan kayo ay kalaro
Tulad ng dagat kayo ang bumubuhay
Sa akin
Inay itay

Sinasapuso ko ang bawa’t kilos n’yo
Lambing pagmamahal na galing sa inyo
Sa aking paglaki ay sisikapin ko
Maging mabuting tao tulad n’yo

Tulad ng araw ako ay liliwanag
Tulad ng buwan ako’y maglalaro
Tulad ng dagat ako ay ang bubuhay
Sa akin
Inay itay

Kung minsan ay galit
Kung minsan may lupit
Kung minsan nga nais ko’y
Maglayas
Subali’t pagdilim
Ako’y umuuwi
Saan pa ba ako
Tatahan

Tulad ng araw ako’y bumabalik
Tulad ng buwan sa yakap at halik
Tulad ng dagat ito ang bumubuhay
Sa akin
Tulad n’yo

Tulad ng araw kayo ang liwanag
Tulad ng buwan kayo ang kalaro
Tulad ng dagat kayo ang bumubuhay
Sa akin
Inay itay

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Joey Ayala

Autres artistes de Neofolk