Dapithapon

Dumating na naman ang dapithapon
Isang araw ang nagdaan
Uuwi nang walang nag-aabang
Heto na naman

Parang kailan lang
Ikaw ay dumating
Naging langit ang mundo
Saksi ang buwan
Sa tamis ng suyuan

Heto na kaya

Ang pag-ibig nga naman
Kapag nararamdamn
Isusugal mo ang iyong puso
Ibibigay ang lahat
Pagkat hindi sintiyak
Nang pagsapit ng bukas

Sa gitna ng gabi
Isip ay lumalalim
Di madapuan ng antok
Kinukurot ng yong alaala

Kamusta ka kaya

Ang pag-ibig nga naman
Kung di na maramdaman
Di kayang pagtakpan ng sumpaan
Ang sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya
Hahayaan mong lumisan

Paalam
Paalam oh
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam
Mahal

Umaga na naman
Bababangon nang muli
Isa-isang ilalakip
Saking puso
Naiwan mong bakas

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Johnoy Danao

Autres artistes de Film score