Ala Una

Jom "North Starr" Casem, Jan "Jnske" Quintana, Gaxillic

Meron ba akong mali
Pakisabi naman
Bakit ka nagmadali
‘Di mo man lang tinignan
Bago ka umalis
Nung ika'y umalis
Ang bilis mong humakbang papalayo

Hindi ko na nasabi pero ayoko pang bumitaw
Kung hindi ka para sa ‘kin bakit ka pa lumitaw
Walang ibang makakabuo sa ‘kin kundi ikaw
Kaya hanggang ngayon ay hinahanap
May iba ka bang nakita o nagsawa ka na ba
Kaya pag-ibig mo ‘di mo na pinapadama
‘Di mo man lang pinaliwanag
Hanggang ngayon ako ay

Mag-isa sa kama at yakap ko ang unan
Nakatulala maghapon mula ala una
Hinihintay kong tumawag ka
Ngunit parang ‘di mo na iniisip yung dati
Sa pag-ibig mo ako ang nauna
Kung merong pumalit itago mo muna
‘Pagkat ‘di ko kayang makita kang masaya nang
Hindi ako ang dahilan

Alam mo ba nung mawala ka
Nagpapanggap ako na kaya ko
Kahit dayain ang sarili
‘Di ko pala kaya ‘to nang mag-isa
Nandito pa rin ang iyong naiwan
Alaala sa aking isipan
Dala- dala at ‘di ako makatulog
Palaging puyat at wala na sa hulog
Sana maisip mo
Kung ano ang ating pinagsamahan
‘Di ko alam bakit biglaan kang bumitaw

Mag-isa sa kama at yakap ko ang unan
Nakatulala maghapon mula ala una
Hinihintay kong tumawag ka
Ngunit parang ‘di mo na iniisip yung dati
Sa pag-ibig mo ako ang nauna
Kung merong pumalit itago mo muna
‘Pagkat ‘di ko kayang makita kang masaya nang
Hindi ako ang dahilan

Hindi mo ba kakausapin para tapatin
Alam mo na nahihirapan akong tanggapin
Nagkulang ba ‘ko o ako rin ba ang salarin
Kaya nung lumisan ka 'di ka na makatingin
Iniwan mo akong madaming katanungan
Ako pa rin ba ang gustong makatuluyan
O tama ang kutob ko na pinagtabuyan
Piinagtabuyan mo na ako dahil sa iba

Mag-isa sa kama at yakap ko ang unan
Nakatulala maghapon mula ala una
Hinihintay kong tumawag ka
Ngunit parang ‘di mo na iniisip yung dati
Sa pag-ibig mo ako ang nauna
Kung merong pumalit itago mo muna
‘Pagkat ‘di ko kayang makita kang masaya nang
Hindi ako ang dahilan

Curiosités sur la chanson Ala Una de Jom

Quand la chanson “Ala Una” a-t-elle été lancée par Jom?
La chanson Ala Una a été lancée en 2023, sur l’album “Dead Memories”.
Qui a composé la chanson “Ala Una” de Jom?
La chanson “Ala Una” de Jom a été composée par Jom "North Starr" Casem, Jan "Jnske" Quintana, Gaxillic.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jom

Autres artistes de Pop rock