Itong Aking Mundo

Pikit aking mata gising naman ang diwa
Hinding hindi makatulog oh bakit nga ba (bakit nga ba)
Ayokong mag-isa ayokong mawala ka (ah mag-isa)
Paano ang pangarap kung hindi kita kasama

Malayo ang tingin bumubulong sa hangin
Aking panalangin sana'y dinggin (sana'y)
Mahal na mahal kita sa buhay ko ay higit pa (mahal)
Bukod tangi ang iyong ngiti saki'y nagpapaligaya (ang iyong ngiti)

Kulang ang buhay ko kulang aking mundo
Kung ika'y lilisan ako'y iyong iiwan
San pa patutungo (oh)

Hindi pa ba sapat ang aking pagsisikap (di pa ba sapat)
Ginagawa ko ang lahat sayo magiging dapat
Hindi mahalaga marami man kokontra (maraming kokontra)
Basta't tayo'y magkasama buo aking pag-asa (basta't tayo'y magkasama)

Kulang ang buhay ko kulang aking mundo
Kung ika'y lilisan ako'y iyong iiwan
San pa patutungo

Oh

Kulang ang buhay ko kulang aking mundo
Kung ika'y lilisan ako'y iyong iiwan
San pa patutungo

Ikaw lamang buhay ko
Ikaw lang aking mundo
Kung ika'y lilisan
Ako'y iyong iiwan

San pa patutungo
Itong aking mundo oh
Itong aking mundo
Itong aking mundo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jovit Baldivino

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)