Sampaguita

Gloc-9, Juan Karlos Labajo

Oh aking sinta pasensya ka na
Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi
Nagdaang mga pasko bagong taon at araw
Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw
At maabutan man lang ng paborito mong bulaklak
'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak
Sa mundong 'di sigurado isa lamang ang tiyak
Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak
Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
Mga sana na mahirap nang bilangin kung ilan
Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan
At sa paglubog ng araw 'di kita matabihan

Kahit saan man mapadpad
Sa 'yo pa rin ako babalik giliw
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong

Anak kaarawan mo na ulit
'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit
Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit
Naaalala ka ni tatay tuwing ako'y pumipikit
Patawarin mo ako anak kung hindi kita
Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
O lumangoy sa batis na katulad ng iba
At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta
Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
Ng pasok sa eskwela puso ko'y nag-uumapaw
Sa tuwa dahil gan'yang gan'yan ako noon
Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong
Kailan ka uuwi sa 'kin ay binubulong
Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong
Sa pagtakbo'y madadapa minsan ay masasaktan
Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan

Kahit saan man mapadpad
Sa 'yo pa rin ako babalik giliw
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong

Dumating na'ng araw na aking pinakahihintay
Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay
Pabalik sa 'king pamilya kahit napakalayo
Mula sa lugar na para kumita ay dinayo
Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na
Tsokolate at laruan pati sabong panlaba
Eroplano'y lumapag na ako lamang mag-isa
Ang babiyahe pauwi para masorpresa sila
Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba
Ang tingin sa 'kin ng mama na sa manibela malayo akong dinala
No'ng tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang s'yang natawa
Nag-iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa
Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim
Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko nang palihim
Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin
Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin kahit ano'ng gawin

Kahit saan man mapadpad
Sa 'yo pa rin ako babalik babalik giliw
Sa halimuyak sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
La la la la la oh
Sa halimuyak ng 'yong (sampaguita)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] juan karlos

Autres artistes de Pop rock