Dear Ate Charo

Dear Ate Charo pano ba to
'Di ko alam kung san ako magsisimula
Sa kwento ng buhay ko
Dear Ate Charo 'di na mabilang
Mga liham kong inilihim ko
Na lang at sinilid sa puso

Saan pa ba'ko tatakbo
Kalaban ko buong mundo
Kahit pamilya ko hindi pabor sa gusto ko
Puso ko ay litong lito
At isip ko'y hilong hilo
Hayaan mong ikaw na lang maging
Sandalan at sumbungan ko

Bakit kaya kapag malala na
Saka mo lamang maaalala
Magparaya't magtiwala't
Magbigay ng halaga
Kailan kaya matatapos ang drama
Sa buhay kong pang-ma ala-ala
Isusulat ko na lang ang kwento ko
Dear Ate Charo

Dear Ate Charo pano na to
Pakiramdam ko talo ako
Sa ginawa kong maagang pagsuko
Dear Ate Charo di ako
Sigurado kung makakaya kong
Panindigan ang hatol ng isip ko

Bago pa man naging kami
Alam nya nang mauuwi
Ako sa kapalarang
'Di naman ako ang pumili
Pero sige lang nang sige
Hanggang lumalim ang kami
At magkabunga ang inaakala namin ay mali

Kaya naman ako ay nagpaalam
At bumitaw na lang nang biglaan
'Di ko na naipaglaban
Aking nararamdaman
Saka ko lamang napatunayang
'Di ko pala sya kayang iwanan
Sana ay mabasa mo ang kwento ko
Dear Ate Charo

Salamat at mayrong
Isang katulad mong handang
Magpahiram ng oras sa
Katulad kong bigo
At sa pagsasara ng mga
Pahina ng liham ko
Alam kong mayroon namang
Mabubuksang bagong pinto

At sa huli kami'y magkikita
At mapayapa na magsasama
Sa harap ng libo libong
Pagsubok ng tadhana
At sa wakas 'di na alintana
Ang mga nega at kontrabida
Dahil kami ang bida sa kwentong ito
Dear Ate Charo

Dear Ate Charo
Dear Ate Charo
Dear Ate Charo
Dear Ate Charo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Juris

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)