Ika'y Babalik Pa Ba
Nagkamali ako
Nagkamali tayo
Pagmamahal na dapat sa 'ti'y naglaho
Nagmahal ka ng iba
Habang ako'y nandito pa
Pinilit kong tinago
Katotohanang wala ka na
Minsan nais nang bumitaw
Pintig ng aking puso
Magmahal na ng iba
Ika'y babalik pa ba
Puso'y nag-iisa
Laging nangungulila
Ngayon ako'y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong malaman (malaman mo)
Ika'y babalik pa ba
Naghihintay ako sa araw ng pagbabalik mo
Ikaw ay yayakapin at sasabihing ako'y sa 'yo
Ngunit sa 'king paghihintay
Bulong ng aking puso
Magmahal na ng iba
Ika'y babalik pa ba
Puso'y nag-iisa
Laging nangungulila
Ngayon ako'y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong malaman (malaman mo)
Ika'y babalik pa ba
Ika'y babalik pa ba
Puso'y nag-iisa
Laging nangungulila
Ngayon ako'y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong sabihin
Ikaw ay bumalik na