Kidlat Isla [Acoustic]

Tahan na aking mahal huwag nang mabahala ang awit kong ito ang papawi sa iyong lumbay
Ilahad mo ang lahat lahat sa akin at makikinig ako sa iyong mga sasabihin

Huminga nang malalim 'pag nasa dilim yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata aking mahal ililigtas kita

Huwag kang matakot nandito lang ako huwag kang mangangamba sa 'di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo huwag kang matatakot nandito lang ako

Tahan na aking mahal huwag sanang kakabahan
Itong aking kamay ang sasalo sa iyong mga luha
Iiyak mo ang lahat lahat sa akin bukas ang puso ko sa iyong mga sasabihin

Huminga nang malalim 'pag nasa dilim yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata aking mahal ililigtas kita

Huwag kang matakot nandito lang ako huwag kang mangangamba sa 'di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo huwag kang matatakot nandito lang ako

Huminga nang malalim 'pag nasa dilim yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata aking mahal ililigtas kita

Huwag kang matakot nandito lang ako huwag kang mangangamba sa 'di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo huwag kang matatakot nandito lang ako
Nandito lang ako nandito lang ako

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Kamikazee

Autres artistes de Hard rock