Magbalik Ka Na Mahal Ko
Bawat patak man ng ulang masinsin
Ay lagyan ng talim
Ako ay sasayi
‘Di ko iindahin
Ang ulos at hiwa
Ng mumunting patalim
Bawat patak man ng ulang masinsin
Ay lagyan ng talim
Ako ay sasayi
‘Di ko iindahin
Ang ulos at hiwa
Ng mumunting patalim
Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay (kalinga ah)
Lilim nito ay langit na aking tanggulan (langit ah)
‘Pag ito’y natiklop lalantahin ng araw (ah)
Lulunurin ng unos
Ang marupok kong buhay
Aking hihintayin ang iyong pasabing
Magbalik ka na mahal
Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lilim nito ay langit na aking tanggulan
‘Pag ito’y natiklop lalantahin ng araw
Lulunurin ng unos
Ang marupok kong buhay
Aking hihintayin ang iyong pasabing
Magbalik ka na mahal