Laon Ako
Pag may handaan ako ang bida
Laging laman ng usapan nila
Kailan daw ako mag-aasawa
Bakit daw ako ay single pa
Ano ba ang mali sa akin
At tila ba walang pumapansin
‘Di naman ako pangit
Pero ba't walang lumalapit
Laon ako tatandang dalaga
Laon ako sa kalendaryo wala na
Hindi ko kailangan ng lalaki
Upang sa buhay ipagmalaki
Laon ako laon ako oo
Laon ako
Ang dami na kasing umiyak
Dahil sa pag-ibig nawasak
Nadurog lumuha nag-antay umasa
Iniwan namatay
Minsan takot lang naman
Na sumubok at masaktan
Kadalasang walang choice
Ayaw naman pikutin mga boys
Laon ako tatandang dalaga
Laon ako sa kalendaryo wala na
Hindi ko kailangan ng lalaki
Upang sa buhay ipagmalaki
Laon ako laon ako oo
Laon ako
Ang mahalaga kahit nag-iisa
Puso ay laging may sigla
‘Di naman kailangan iasa sa iba
Kung paano liligaya ‘di ba (paano liligaya di ba)
Laon ako tatandang dalaga
Laon ako sa kalendaryo wala na
Hindi ko kailangan ng lalaki
Upang sa buhay ipagmalaki
Laon ako tatandang dalaga
Laon ako sa kalendaryo wala na
Hindi ko kailangan ng lalaki
Upang sa buhay ipagmalaki
Laon ako tatandang dalaga
Laon ako sa kalendaryo wala na
Hindi ko kailangan ng lalaki
Upang sa buhay ipagmalaki
Laon ako laon ako oo
Kahit walang karamay
At nag-iisa sa buhay
‘DI ko na ipipilit kung wala
Kahit laon tanggap ko na chu chu ru chu chu ru
Laon ako laon ako