Intro

Kyle Obias, Ziltquervin Yampan

Libre ang mangarap, mahal lang tuparin
Madaling mahanap, ngunit ganun parin
Magaantay ka pa, mahaba pa yung pila
Wala ka pang pangalan, gusto ka'gad makilala

Kailangan dapat ay maayos ang tula
Kaso nga lang di maangas ang dura
Meron bang nakikinig sa tuwing bumubulong?
O ang lahat ng to'y sa hangin lang tinatanong?

Pinagpapawisan ang magkabila mong palad
Makakausad ba kung ang sistema'y pakapalan
Bawal ang mahiyain, sige at makikain
Ng di ka maubusan sa biyayang nakahain

Huwag palampasin, ang pagkakataon
Malalim na bangin, sige at tumalon
Ng makalipad at di ka lang sabay sa agos
Kaso lang nakakatakot harapin ang takot...

Ngayon ay markahan pagkat ito na ang ugat
Kung pano sinimulan lahat para umangat
Upang inyong malaman kung bakit pa ba nagsusulat
Kahit nasa kailaliman at tila sugat sugat

Ang bawat linya ay nanggaling sa aking damdamin
At lahat ng sasabihin pinagbutihan na isipin
Walang oras na sasayangin, bawat segundo'y gagamitin
Lahat ng tyansa ay kukunin, di ko na patatakasin

Nagsanay nang nagsanay hanggang sa naging handa
Ang laway ang naging tulay para daanan ng tula
Karamay ko ang mga tunay kasama ditong maykatha
At humusay nang humusay sa pagsulat at salita

Di na magpapadala sa sasabihin ng iba
At kahit na baliktarin ang tapat ganun pa rin
Wala ka nang magagawa, ito ang aming simula
Kahit kailangang kaladkarin ang pangarap ay dadalhin

Curiosités sur la chanson Intro de Kaz

Qui a composé la chanson “Intro” de Kaz?
La chanson “Intro” de Kaz a été composée par Kyle Obias, Ziltquervin Yampan.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Kaz

Autres artistes de Pop rock