Hilom
Wala nang ibang mapupuntahan
Sinubukan lahat lahat
Ng paraan para mabuhay sa mundong
Malupit sa taong tulad ko
Sino ba ako sa iyo
Para paglaanan ng walang hangganan
Bawat sugat ng puso ko'y
Hinilom mo
Narito at sinisilip ka
Nagtataka kung pano mo ako nahagilap
Sa landas na madilim
Malabo't walang kahulugan
Sino ba ako sa iyo
Para paglaanan ng walang hangganan
Bawat sugat ng puso ko'y
Hinilom mo
Alam mo lahat ng aking pagkukulang
Sa halip na ikahiya ay di mo ako iniwan
Sabay tayong dumaing
Hangga't umabot ng langit
Sino ba ako sa iyo
Para paglaanan ng walang hangganan
Bawat sugat ng puso ko'y hinilom
Sino ba ako sa iyo
Para paglaanan ng walang hangganan
Bawat sugat ng puso ko'y hinilom mo