Sana'y Tumibok Muli

Paano ba pipilitin paano ba gigisingin
Isang natulog na at nasawing damdamin
Nais ko mang buhayin pag-asang mithi pa rin
Bakit ayaw ngumiti nitong aking damdamin

Paano ba sasabihin na wala ng pagtingin
Kahit aking pilitin puso'y namamanhid pa rin
Ano kaya ang gagawin ng pusong sawa na rin
Ngayong bumabalik ka na'y walang maramdaman giliw

'Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis
Ngayo'y wala na nga pag-ibig na laan sa'yo sana

Bakit ba pipilitin
Ano ang aking gagawin
Pagmamahal sa iyo dati'yhindi naman pinapansin

'Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis
Ngayo'y wala na nga pag-ibig na laan sa'yo sana

Ngunit kung dumating ang panahong gumising na
Nananahimik na damdamin ay muling buksan pa
Sana ay naghihintay ka pa rin sa akin sinta
Kasi nama'y alam mo ring minahal kang talaga

'Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis
Ngayo'y wala na nga pag-ibig na laan sa'yo sana

Sana'y tumibok muli
Ang puso kong ito sana

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Klarisse de Guzman

Autres artistes de Religious