Salamat Po

Marlon Peroramas, Omar Manzano, Ryan Daran, Zandro “Ochomil” Verula

CHORUS (RHYNE):
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
VERSE 1 (OMAR BALIW):
Alam niyo na kung sino ‘to
Kaya salamat agad
Salamat po sa buhay kong sagad, salamat sa God
Salamat sa mga aray na kasabay sa lakbay
Salamat din sa mga aral galing sa’king sablay
Salamat nakatayo, salamat di bumigay
Salamat nakalayo, salamat din dumighay
Salamat nalabasan yung malubak na daan
Salamat dahil may sagot na kung papunta saan
Salamat sa mga biyaya na dumadating
Salamat may solusyon na, di na dumadaing
Salamat dahil mas tumatagal bumabangis
Salamat sa sarili ko, walang pumapanes
Kaya kung magdasal ngayon pasasalamat lang
Ibabalik lahat sa mga nararapat lang
“Salamat”, “Thank you”, “Matsala”, pati “Arigato”
Hindi na maaawat
Yes i, aariba to
CHORUS (RHYNE):
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
VERSE 2 (LOONIE):
Pasasalamat sa bawat umagang gumigising
Sa bawat butil ng kanin sa plato na nagiging
Lakas sa araw-araw pagkatapos kong kainin
Salamat sa pagibig, sa musika at sining
Salamat at ako’y hindi sakitin
Merong kamang nahihigan kahit walang kasiping
Sa kabila ng pagkabilanggo at mga hearing
Salamat at mga anak ko ay aking kapiling
Pasasalamat sa lahat ng mga tunay kong kaibigan na laging nandyan
Pasasalamat sa lahat ng mga nag alis sa akin sa maling daan
Pasasalamat sa aking pamilya na maaasahan ko kahit saan
Pasasalamat sa mga kalaban
Kayo ang rason kung ba’t nasilaban
Mga salitang matatamis mapapait at maaalat
Na madalas maging sanhi ng nasawing mga pangarap
Parang “Pangako”, “Mahal kita”, “Patawad”
“Walang anuman” ang makakadaig sa salitang “Salamat”
CHORUS (RHYNE):
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat
Pasasalamat sa may likha
Dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa’king daan nang di uminda
Sa bawat hamon
Salamat sa lamat

Chansons les plus populaires [artist_preposition] LOONIE

Autres artistes de Asian hip hop