Bahaghari
Nag iisa
Sa isip ko'y nawawala
Hindi mapaliwanag puso kong nabihag
Sa dalang liwanag
Kay tagal
Natulalang nag-aantay
Ngiti sa aking buhay mundo ay nagkakulay
Ligaya ang iyong bigay
Kaya't sa ilalim ng kalawakan
Tumitig sa kawalan
Nang aking simulan
Harana
Harana kay Luna
Pwede bang andiyan nalang
Manatili ka nalang
'Di naman naiilang
Harana
Harana kay Luna
Huwag ka nang mawawala
Sa 'king buhay oh sinta
Tuwing gabi'y kapiling ka
'Di mapakali
Sa bawat kong sandali
Napupuno ang isip
Kung araw ay sumilip
Paglisan ba'y sasapit
Gayo'y binilang ko mga minutong nalalabi
Sa huling gabi aawitin kong muli
Harana
Harana kay Luna
Pwede bang andiyan nalang
Manatili ka nalang
'Di naman naiilang
Harana
Harana kay Luna
Wag ka nang mawawala
Sa 'king buhay oh sinta
Tuwing gabi'y kapiling ka
Tuwing umaga ay paparating
Tangi kong hinihiling
Ay manatili pa
Kislap ng iyong ngiti
At init na 'yong hatid
Maghihintay nalang ba ang pusong ito
Sa oras na ika'y babalik
Harana
Harana kay Luna
Pwede bang andiyan nalang
Manatili ka nalang
'Di naman naiilang
Harana
Harana kay Luna
Wag ka nang mawawala
Sa 'king buhay oh sinta
Tuwing gabi'y kapiling ka
Nag iisa
Sa isip ko'y nawawala
Pagsapit ng umaga
Bumuhos aking luha
Pagkat ika'y wala na