Gusto Ko Nang Bumitaw [R&B Version Radio Edit]
Umiiyak gabi-gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan
Talo na pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga
Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw nalilito ano nga ba ako sa'yo
Sino nga ba ako sa'yo
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang-kasing lungkot
Walang-kasing sakit
Gusto ko nang bumitaw (bumitaw)
Ngunit ayaw pa ng puso (ayaw pa ng puso oh)
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig (ah)
Walang magandang pupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya tayong muli oh
Gusto ko nang bumitaw
Hindi kita mabitawan
Gusto ko nang bumitaw (bumitaw)
Pero ayaw pa ng puso (ayaw pa ng puso oh)
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw