HBD
Hindi naman sa nanghihinayang ako
May konti lang kirot
Di ko pa kase limot ang birthday mo
Ilang araw na nangangati mga daliri
Di na mapakali na baka batiin kita
Wala namang mawawala diba?
Happy birthday
Kahit hindi na ako ang kasama mo
Wala 'kong balak bumalik at alam kong ganon ka din
Pero nangako ako
Sa'yo lang ang araw na to
Kaya hbd
May cake ka na ba?
Marami bang pumunta
Numati ba si Julia
Sumipot ba sila era
Panong di maalala
Pinlano ko lahat nung nakaraang taon
Yung mga regalo ko na di na nabigay
Katumbas na mga plano na natin na di na natuloy
Inikot ko ang kyusi para hanapin ang gusto mong plushie
Happy birthday
Kase hindi na ako ang kasama mo
Wala kong balak bumalik at alam kong ganun ka din
Kahit nangako ako
Sa'yo lang ang araw na to
Ang pagkalipas ng taon
Palayo ng palayo
Happy Birthday
Walang HBD
Humihiling
Bumabalik
Naghahabol ng sandali
Taon taon
Nanabik
Lagi nalang nagpipigil
Na makausap at makita
Inaawitan si bathala
Na lahat ng mga sana sa aming
Dalawa na lang
Happy birthday
Pero hindi na ako aasa sa'yo
Wala kong balak bumalik at alam kong ganun ka din
Kahit nangako ako
Sa'yo lang ang araw na to
Ang pagkalipas ng taon
Palayo ng palayo
Walang HBD