Ikaw Lang Ang Iibigin
Nag-iisa
Saksi ang mga tala
Naghihintay
Sa liwanag ng buwan
Aking natatanaw
Sa di kalayuan
Ang iyong pagdating
Kasabay ng ulan
Sana’y malamang
Ikaw ang dahilan
Ng pag-ikot nitong aking mundo
Kahit buhay iibigay sa’yo
Dinggin mo ang tibok ng puso ko
Ikaw lang ang iibigin ko
Kung ito ay kapalaran
At handog ng kalangitan
Di mapapantayan
Ang pag-ibig na minsan lang
Magkahawak kamay
Sa iisang pangarap
Sana’y laging sabay
Saan man maglakbay
Dahil sa’yo
Lahat ay matatamo
Tanging ikaw lamang
Ang iibigin ko
Ikaw lang ang iibigin
Ikaw lang ang iibigin
Ikaw lang ang iibigin ko