Pangarap [Theme from Legally Blind]

Ba't 'di ko na makita ang bukas
Ba't tila kulay ay kumupas
Pangarap ko'y saan na napunta
Mararating ko pa kaya

Di ko man ito maintindihan
Alam kong luha din ay tatahan
Hindi hihintong manalangin
Makakamit ko rin
Makakamit ko rin

Ang mga pangarap
Sana'y mapasakin
Ang liwanag ng buhay
Makikita ko rin

Basta't tapat ang puso
Ang sinasabi totoo
Wala nang hahadlang
Lilinaw din ang bukas
Para sa akin

Hindi ko man makita
Ang landas ng aking pangarap
Tuloy-tuloy lang sa paghakbang
Akin din itong mahahanap

Ang mga pangarap
Sana'y mapasakin (sana'y mapasakin)
Ang liwanag ng buhay
Makikita ko rin (makikita)

Basta't tapat ang puso
Ang sinasabi totoo
Wala ng hahadlang sa atin
Pangarap ay mararating
Ko rin

Curiosités sur la chanson Pangarap [Theme from Legally Blind] de Maricris Garcia

Quand la chanson “Pangarap [Theme from Legally Blind]” a-t-elle été lancée par Maricris Garcia?
La chanson Pangarap [Theme from Legally Blind] a été lancée en 2017, sur l’album “Pangarap”.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Maricris Garcia

Autres artistes de