Buong Puso

'Di mo ba naaalala ang nakaraan
Mga sandaling punong-puno ng pagmamahalan
Huwag na sanang magtagpo
Kung nagkamali sa'yo
Mga paliwanag ko ay dinggin mo

'Di pa rin magawa ng puso na
Humanap ng iba
Alaala mo'y palagi kong nakikita
'Di na ba magbabalik
Ang kahapong kay ganda
Sana naman ako ay
Mapatawad mo pa

Buong puso na sumasamo sa'yo
Ang isang tulad kong nagkamali't
Nasaktan ang pag-ibig mo
Sa mga nagawa
Patawarin ako
Sana ay pagbigyan na maipadama
Muli ang pag ibig na para lang sa'yo
Ikaw pa rin ang iniibig ko

'Di pa rin magawa ang puso na
Humanap ng iba
Alaala mo'y palagi kong nakikita
'Di na ba magbabalik
Ang kahapong kay ganda
Sana naman ako ay
Mapatawad mo pa

Buong puso na sumasamo sa'yo
Ang isang tulad kong nagkamali't
Nasaktan ang pag-ibig mo
Sa mga nagawa
Patawarin ako
Sana ay pagbigyan na maipadama
Muli ang pag ibig na para lang sa'yo
Ikaw pa rin ang iniibig ko

Buong puso na sumasamo sa'yo
Ang isang tulad kong nagkamali't
Nasaktan ang pag-ibig mo
Sa mga nagawa
Patawarin ako
Sana ay pagbigyan na maipadama
Muli ang pag ibig na para lang sa'yo
Ikaw pa rin ang iniibig ko

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Mark Bautista

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)