Unang Beses

Marlo Mortel

Hindi na bago sa'kin and magmahal
Ilang ulit na rin akong sumugal
Oras at pagmamahal ang inalay
Tinadhana lang na maghiwalay
Hanggang sa nakilala kita
Hindi alam na may hihigit pa
Sa pagmamahal na akala ko'y dati ko nang nadarama

Unang beses lang na magmahal ng ganito
Minu-minuto puso ko'y iyong pinupuno
Araw-araw ay nais lang magkita
Kaya't nagkasundong magsama
Sabay nangangarap ng magkatabi
Nangangako ako't ikaw hanggang sa huli
Ikaw ang una at huli

Bawat gising ko ngayo'y masaya
Pagmulat ng mata ay kayakap kita
Tawanan at kulitan ay sapat na
Basta't kasama ka araw kumpleto na
Hanggang sa nakilala kita
Hindi alam na may hihigit pa
Sa pagmamahal na akala ko'y dati ko nang nadarama

Unang beses lang na magmahal ng ganito
Minu-minuto puso ko'y iyong pinupuno
Araw-araw ay nais lang magkita
Kaya't nagkasundong magsama
Sabay nangangarap ng magkatabi
Nangangako ako't ikaw hanggang sa huli
Ikaw ang una at huli

Hanggang sa bigla ka na lang nagpasya
Ang lahat ng gamit natin ay iiwan mo na
Ako pala ay unti-unting binibitawan mo na
Hindi ko alam anong maling nagawa
Alam ko lang ay 'di ko kaya na ika'y mawala
Mundo'y sa'yo pinaikot sa'kin ay wala ng natira

Unang beses masaktan ng ganito
Minu-minuto ay naghahabol-habol sa'yo
Araw-araw ay nais kang makita
Tinataboy mo man ay umaasang
Sabay pa rin nating aabutin
Lahat ng mga pinapangarap natin
Ikaw lang ang nag-iisang mamahalin
Mangangakong ako't ikaw hanggang sa huli
Ikaw ang una at huli oh

Ikaw ang una at huli oh
Ikaw ang una at huli

Curiosités sur la chanson Unang Beses de Marlo Mortel

Quand la chanson “Unang Beses” a-t-elle été lancée par Marlo Mortel?
La chanson Unang Beses a été lancée en 2018, sur l’album “Serye”.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Marlo Mortel

Autres artistes de Film score