Paalam Na

Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa 'yo
'Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't di magkasundo
Damdamin laging 'di magtagpo

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin na
Pag-ibig ko'y di tunay
Dahil sa 'yo lang nadama ang isang
Pag-ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang kung puso ay pagbibigyan
Kahit pa mamaalam ang siyang bulong ng isipan

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal (paalam na aking mahal)
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Darating sa buhay mo (ang pag-ibig)
Pag-ibig na laan sa 'yo (laan sa'yo)
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko oh (paalam na)

Paalam na aking mahal (oh)
Kay hirap sabihin (oh)
Paalam na aking mahal (paalam na)
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa (oh)
Puso't isipa'y magkaiba (oh)
Maaring 'di lang laan sa isa't isa (paalam na)
Paalam na hmm (paalam na)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Martin Nievera

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)