Alitaptap

Matt Wilson, Marion Aunor, Aunorable Productions

Susunduin kita kahit nasa’n ka pa
Tanda mo pa ba ang pangakong ‘to
Mayro’n mang bagyo ay
Susunduin kita
At tayo’y babalik sa
Lugar na kung saan
Sabay na tumibok ang puso

Noong unang masilayan ang ‘yong mukha
Ang tuhod ko’y nanghina sa sobrang kaba
Ikaw ba si Mariang Makiling
Na nagkatawang-tao at sagot sa aking hiling

Tanging kislap ng mga alitaptap
Ang gumagabay at sumasabay
Sa bawat hakbang hindi sumasablay
Ang paghiling na sa ‘ting paglalakbay

Huwag mong bitawan
Ang aking kamay
Huwag mong hayaang
Tayo’y magkahiwalay
Hohh ohh…

Sandaang taon man ang abutin
Mula dapithapon basta’t ikaw ang kapiling
Kasama mo ako hanggang takipsilim
Ito ang matagal ko nang nililihim

Huwag mong bitawan
Ang aking kamay
Huwag mong hayaang
Tayo’y magkahiwalay

Nagniningning ating mga mata
Parang alitaptap sa ilalim ng puno
Kung sa’n inukit natin ang mga
Sikretong damdamin ng ating puso

Huwag mong bitawan
Ang aking kamay
Huwag mong hayaang
Tayo’y magkahiwalay

Huwag mong bitawan
(Mahal kita, huwag na huwag kang bibitaw)
Ang aking kamay
(Mahal kita, huwag na huwag kang bibitaw)
Huwag mong hayaang
(Mahal kita, huwag na huwag kang bibitaw)
Tayo’y magkahiwalay
(Mahal kita)

Susunduin kita kahit nasaan ka pa
Tanda mo pa ba ang pangakong ‘to
Noong sabay na tumibok ang puso

Autres artistes de Alternative rock