Magkalayo

Sana minsan lang mangyari
Na ikaw ang masaktan
Kung ganon na lang palagi
'Di sa akin ka na lang

Iniisip mo palagi
Na walang mapuntahan
Tumingin na lang sa langit
At ako ang nandyan

At ngayon na ikaw at ako
'Di na tayo magkalayo
Dito ka sa'king mundo
Ikaw lang iniisip ko

Kung ano man ang mangyari
'Wag ka sa'kin matakot
Iibigin kang palagi
At 'di na malulungkot

Nandirito na palagi
At 'di na mawawala
Alamin mo ang sinabi
Na 'di na magsasawa

At ngayon na ikaw at ako
'Di na tayo magkalayo
Dito ka sa'king mundo
Ikaw lang iniisip ko

Wooh

At ngayon na ikaw at ako (at ngayon na ikaw at ako)
'Di na tayo magkalayo (di na tayo magkalayo)
Dito ka sa'king mundo (dito ka sa'king mundo)
Ikaw lang iniisip ko (ikaw lang iniisip ko)

At ngayon na ikaw at ako (Kung ano man ang mangyari 'Wag ka sa'kin matakot)
'Di na tayo magkalayo (Iibigin kang palagi at 'di na malulungkot)
Dito ka sa'king mundo (Kung ano man ang mangyari 'Wag ka sa'kin matakot)
Ikaw lang iniisip ko (Iibigin kang palagi at 'di na malulungkot)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Mayonnaise

Autres artistes de Pop rock