Mahirap
Ayoko nang matulog
Sawang-sawa nang managinip
Sa buhay kong magulo
Napapagod sa kakaisip
Pero kahit na ganito
Ako'y lumalaban pa rin
Hinihintay ko ang tugon
Naririnig ko ang iyong tinig
Ganyan talaga ang buhay
Paminsan-minsan may sablay
Ganyan talaga ang buhay mahirap
Ayoko nang magising
Sa maingay na mundo
Ayoko nang bumangon
Ang nais ko ay umidlip
Ayoko nang mag-isa
Ako ay sawa na
Kaya bukas na ang umaga
Ay haharapin ko na
Ganyan talaga ang buhay
Paminsan-minsan may sablay
Ganyan talaga ang buhay
Nag-iiba ang kanyang kulay
Ganyan talaga ang buhay
Paminsan minsan may sablay
Ganyan talaga ang buhay mahirap