Bakit Kita Hahabulin
Ba't ba kita hahabulin
Kapag nilisan ba'y mawawala'ng lahat sa akin
Ganu'n ka ba kaespesyal
Na kapag nawala ka 'di ako tatagal
Kailangan ko ba ng sa akin ay gigising
Kapag ang loob ko ay nahihimbing
Kailangan ko ba ng 'yong biro't patawa
Kapag inaanod ng luha
Bakit ako manghihinayang sa isang kagaya mo
Ano ba'ng mayro'n ka na wala ang iba
Ba't ako sa'yo magmamakaawa
Aanhin ko ang tamis ng 'yong mga labi
Higpit ng 'yong yakap at pagtrato mo ng hari
Sa gitna ng aking mga pagkukulang
Lagi kang nand'yan kahit 'di ka kailangan
At ano'ng paki ko sa taglay mong ganda
Na hindi maikukumpara sa iba
E ano kung marami sa 'yong nakapila
Na kay tagal nagbantay at naghintay
Umasa na tayo'y maghihiwalay
Bakit ako manghihinayang sa isang kagaya mo
Ano ba'ng mayro'n ka na wala ang iba
Ba't ako sa'yo magmamakaawa
Bat ako sa'yo magmamakaawa
Ano ba'ng mayro'n ka