Hindi Na Bale
Bakit ba kay hirap tanggapin
Na ikaw ay 'di na magiging akin
Sa lahat ng bagay sa mundong ito
Wala ng hihigit pa sa pag-ibig mo
Kung tunay nga't 'di lang panaginip
Ang aking nararamdaman ngayon
Hanggang kailan kaya magdurusa't
Malulumbay ako ng wala sa piling mo
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita ng higit sa buhay ko
Hindi na bale kung mag wakas na
Ang buhay kong ito
Ngunit sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho
Oh
Sadya ngang kay tamis ng iyong halik
Araw-araw ako sa iyo'y nananabik
Sana'y makapiling ka kahit saglit
At mayakap ka ng kay higpit
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita ng higit sa buhay ko (iniibig kita ng higit sa buhay ko)
Hindi na bale kung mag wakas na (hindi na bale kung magwakas na)
Ang buhay kong ito
Ngunit sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho (ikaw ay naroon hindi na bale)
Hindi na bale kung mawala ka (mawala ka)
Basta't iniibig kita ng higit sa buhay ko
Hindi na bale kung mag wakas na (mag wakas na)
Ang buhay kong ito
Ngunit sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho (ikaw ay naroon at hindi maglalaho)