Mas Mahal Na Kita Ngayon

Michael V

Mas mahal na kita ngayon
Higit pa kaysa noon
Mas mahal na kita ngayon
At sa habang panahon
Wala akong pakialam sa 'king nakaraan
Kahit na ako'y pinagtatawanan
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil

Di mo na 'ko tinutulak sa 'ting hagdanan
Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi 'pag ako'y tulog nang mahimbing
Di mo na ako tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan
Mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding-hindi mo na 'ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam 'pagka't mas mahal na kita ngayon (oh)

Mas mahal na kita ngayon (mas mahal na kita ngayon)
Wag ka nang magtatanong
Basta't mahal na kita ngayon (mahal na kita)
Yan ang lagi kong tugon
Kahit 'di mo nakikita o nararamdaman
Ang aking tuwa ay walang paglagyan (uhmm)
Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon
Dahil

Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At 'pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon (ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon)
Di ko na ramdam 'pagka't mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon

Dahil
Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko'y ni-rape ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na 'ko pinapalo ng tubo
Di mo na pinapalayas nang nakahubo
Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon oh
Di ko na ramdam 'pagka't mas mahal na kita ngayon

Kahit nasa'n ka man mas mahal na kita ngayon (mas mahal na kita)
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong
Ataul
Hay salamat

Curiosités sur la chanson Mas Mahal Na Kita Ngayon de Michael v

Quand la chanson “Mas Mahal Na Kita Ngayon” a-t-elle été lancée par Michael v?
La chanson Mas Mahal Na Kita Ngayon a été lancée en 1997, sur l’album “MEB Myusik English Bersiyon Most Hunted”.
Qui a composé la chanson “Mas Mahal Na Kita Ngayon” de Michael v?
La chanson “Mas Mahal Na Kita Ngayon” de Michael v a été composée par Michael V.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Michael v

Autres artistes de Television series