Lahat Ng Sandali

Umaga na
Nasa Isip ka
Mula nung hatinggabi
Pumupuno sa buhay ko’y ikaw
Lahat ng sandali

Naghahanap
Ang puso ko
Wala ka sa’king tabi
Pumupuno sa isip ko’y ikaw
Lahat ng sandali

At kung maghapon ay
Lumipas man
Ng 'di ka namamasdan
Ako’y maghihintay
Sa darating na hatinggabi
Kahit sa isip lang
Ika’y matunghayan

Kung mayroon lang
Magagawa
Kung ‘di pa huli
Sana’y makayakap na kita
Lahat ng sandali

Dinadasal
Sa Maykapal
Mula nung hatinggabi
Sana’y makapiling na kita
Lahat ng sandali

At kung maghapon ay
Lumipas man
Ng 'di ka namamasdan
Ako’y maghihintay
Sa darating na hatinggabi
Kahit sa isip lang
Ika’y matunghayan

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Miko

Autres artistes de Reggae music