Aking Habangbuhay (from "An Inconvenient Love")
Alam ko namang nakakapagod
at di lang ako ang nalulunod
Sa pag-iisip
Tayo'y naiipit
Kasalanan bang ika'y mahalin
Di ko alam kung paano
Bibitawan ang dalang takot
Pano kung iwanan ko ang lahat
Tas iwanan mo lang rin ako
Paano ba
Magtitiwala
Pero nung nakita kita
Nawala ang lahat
ng takot sa puso ko
Naiintindihan ko na ngayon
kung bakit walang nagtagal
sa kahit na sinong minahal
Lahat ng daan ko ay
patungo pala sa'yo,
aking habangbuhay
Di mo alam kung gaano
mo napakalma ang aking puso
Di na kailangan pang magalinlangan
sayo lang ako naging sigurado
Sa paggising ko gang sa pagtulog
ang yakap mo ang sinasaulo
Kahit ano pa ang dumating
nandito lang sayong tabi
O dahil sayo
Napahinga ang puso
Di ka man ang nauna
Ikaw na ang huli
Kasi nung nakita kita
Nabura ang lahat
ng duda sa isip ko
Naiintindihan ko na ngayon
kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong sinugal
lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa'yo,
aking habangbuhay