'Di Panghabang-Buhay

Parang kelan lang ang bilis ng panahon 'di ko namalayan na naubos ang kahapon
Kung pwede lang bumalik yayakapin kang muli 'di ko namalayan yun na pala ang huli

Kahit na nahihirapan na ito ay tanggapin
Sa bawat araw na wala ka sa aking piling ikaw ay iisipin
Kung pwede lang humiling masulyapan ang 'yong ngiti
Lahat ito ay kakayanin buong loob haharapin

Sisikat din ang araw pag-asa ay matatanaw itutuloy ang laban alam kong ika'y nandyan
Hindi panghabang-buhay ang dilim takot man ay nariyan 'di padadaing
Mahirap man paniwalaan pag-asa ay parating pag-asa ay parating pag-asa ay parating

Kaya't muling babangon kahit sa paghihintay
Ng mga sagot sa aking katanungan ala-ala mo'y gabay
At kahit 'di na babalik makikita kang muli
Kung saan wala na ang sakit mayayakap ka sa langit

Sisikat din ang araw pag-asa ay matatanaw itutuloy ang laban
Alam kong ika'y nandyan hindi panghabang-buhay ang dilim
Takot man ay nariyan 'di padadaig mahirap man paniwalaan pag-asa ay parating

Sisikat din ang araw pag-asa ay matatanaw itutuloy ang laban alam kong Ika'y nandyan
Hindi panghabang-buhay ang dilim takot man ay nariyan 'di padadaig
Mahirap man paniwalaan pag-asa ay parating
Pag-asa ay parating pag-asa ay parating
Pag-asa ay parating pag-asa ay parating

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Moira Dela Torre

Autres artistes de Film score