Ikaw Parin [Halfway Point]
Alam kong ako yung lumayo walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin ang nakaraang parang kahapon
Paumanhin 'di ko sinadya na lumisan na lang
Kung papayagan mong tayo'y bumalik sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing pagtapos ng lahat ikaw pa rin
Lumisan ang lahat ikaw pa rin
Alam kong nagkulang sa iyo sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago
Paumanhin 'di ko magawang kalimutan na lang (paumanhin 'di magawang)
Kung papayagan mong tayo'y bumalik sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing pagtapos ng lahat ikaw pa rin
Kita ko pa sa'yong mga mata may pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli 'di rin maibalik patawarin sana (at kung sa huli 'di rin maibalik)
Kung papayagan mong ikaw ay mahalin mula sa tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing lumisan ang lahat ikaw pa rin
Kahit sa paalam ikaw pa rin