Patawad - Halfway Point

Paano nalimutan ang lahat
Na kahit konti walang pasabi
Paanong nalimutang banggitin
Na nagbago pala ang pagtingin

Oh

Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa may ibang nakalaan

Paano burahin ang sandaling
Naiguhit sa panaginip
At kung sa paggising ikaw pa rin
Ang nasa isip hindi maitanggi

Oh

Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis no'ng ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa may ibang nakalaan

Patawad
Paalam
Patawad paalam
Patawad kung ikaw ay aking nasaktan

Hindi ko nabigay ang iyong kailangan
At ang huling pangakong maibibigay
Na sa ating dalawa ay wala nang sisihan
Patawad paalam sa ating nakaraan

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Moira Dela Torre

Autres artistes de Film score