Paubaya / Hindi Tayo Pwede / Hatid

Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo

Ang sabi ko na nga ba dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa 'di naniwala
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana

Hindi na posible (hindi na posible)
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan no'ng ako'y 'di na naging sapat
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang
Ako ang kailangan pero 'di ang mahal

Saan nagkulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama pero hanap mo s'ya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

'Di ka hahabulin 'di ka pipigilin
Huwag mag-alala ihahatid kita
'Di ka hahabulin 'di ka pipigilin
Huwag mag-alala ihahatid kita

'Di ka hahabulin 'di ka pipigilin
Huwag mag-alala ihahatid kita
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana

Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban (pinapaubaya)
'Di ka pipigilan (oh)

Pinapaubaya ko na sa kanya (oh)
Hindi tayo pwede

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Moira Dela Torre

Autres artistes de Film score