Naantala [Squid 9 Version]
Tulala lang ako sa aking bintana
Sa silid ko na walang nakakakita
Pati mga tala di nag papakita
Pagmasdan mo ang mundo tila ba lumuluha
Ang dalang hiwaga ay nakakasima
At tiba tiba tiba lahat ng mandaraya
Nakakahawa,nakakasawa,nakakaawa
Dala dala nila pati ating bandila
Nangungulilang mga alilang
Tila ba parusa na walang sukdulan
Bilang magulang ayaw magkulang
Pwede bang pigilin sandali ang iyong pagsilang
Nakakailang beses na ako na nagdarasal
Hanggang kailan pa ba ito na mag tatagal
Hindi naman ako sa na nag aangal
Alam ko naman kong gaano ako kahangal,ikaw lang nag iisang mahal
Samantala
Naantala
Nangangarap
Na lumaya
Bawat pag-ngiti raw ay mayroong kapalit, kung nais lumigaya ay masanay sa sakit
Ka-hambing ng madilim na dako at liblib
Batid na masukal ngunit dun ka pilit sumisiksik
Sino bang nagsabing sulit ang paghihintay, kung sa huli ay di mo rin mapapasakamay
Walang talab ang gamot pangontra sa lumbay
Kung ang tamang medisina, rason bat di mapalagay
Kahit ilang tanong ng "kung bakit", kapalaran mo'y kay pangit, hanggang anit man ang galit
Ay walang respondeng malinaw ang pagpawi kundi pangungumbinsing maging positibo lang lagi
Ang buhay, naka-disenyong mawasak at buuin,
Tuwing aasa ka, asahan mong mabibigo ka rin.
Pag hindi handa'y ibabaon ka ng duda't hinala,
Wag palaging magsaya nang ang saya di maantala
Samantala
Naantala
Nangangarap
Na lumaya
Buksan ang damdamin
Mundo’y hihilom din
Buksan ang damdamin
Mundo’y hihilom din