Babalikan Mo Rin Ako

Nagpapaalam ka na na naman
Muli mo akong iiwan
Dahil ba nakita ka
Na may ibang kasama kagabi
Sa isang iglap ako'y mag-iisa
Muli

Paulit-ulit kang nangako
At papalit-palit ang puso
Di ba't sabi mo noon
Hindi ka na uulit ako lang
Di ko maintindihan kung ano ang
Kulang

Babalikan mo rin ako
Dahil ako lamang ang nagbigay nang nagbigay
Babalikan mo rin ako
Dahil tinuring kang higit sa aking buhay

Babalikan mo rin ako
Dahil ako lamang ang nagmahal nang tunay
Babalikan mo rin ako
Dahil alam mo na nandito lang ako

Oh

Paikot-ikot lang ang kwento
Dahilan na pare-pareho
Minahal ka nang tapat
Sa puso ko'y walang iba ikaw lamang
Kaygandang mga pangarap ay biglang nasayang

Babalikan mo rin ako
Dahil ako lamang ang nagbigay nang nagbigay
Babalikan mo rin ako
Dahil tinuring kang higit sa aking buhay

Babalikan mo rin ako
Dahil ako lamang ang nagmahal nang tunay
Babalikan mo rin ako
Dahil alam mo na nandito lang ako

Ang hindi ko lang alam
Kung nandito pa ako
Para sa'yo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Nikki Gil

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)