Ang Panginoon Ang Aking Pastol

MARTIN BRAMMER, COLETTE VAN SERTIMA, BENJAMIN BARSON

Ang panginoon ang aking pastol pinagiginhawa akong lubos

Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingahan ko’y payapang batisan
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan
Sa tumpak na landas siya ang patnubay

Ang panginoon ang aking pastol pinagiginhawa akong lubos

Madilim na lambak man ang tatahakin ko
Wala akong sindak siya’y kasama ko
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko
Tangan niya’y pamalo sigla’t tanggulan ko

Ang panginoon ang aking pastol pinagiginhawa akong lubos

Inihahanda niya sa akin ang 'sang dulang
Piging sa harapan ng aking kaaway
Kasiyahan niyang ulo ko'y langisan
Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw

Ang panginoon ang aking pastol (panginoon ko ang aking pastol)
Pinagiginhawa akong lubos (ang ginhawa kong lubos)

Kagandahang loob pawang kabutihan
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan ng poong maykapal
Nais kong manahan magpakailanman

Ang panginoon ang aking pastol pinagiginhawa akong lubos oh mm

Curiosités sur la chanson Ang Panginoon Ang Aking Pastol de Noel Cabangon

Quand la chanson “Ang Panginoon Ang Aking Pastol” a-t-elle été lancée par Noel Cabangon?
La chanson Ang Panginoon Ang Aking Pastol a été lancée en 2015, sur l’album “Huwag Mangamba (Mga Awit Ng Pagtatagpo)”.
Qui a composé la chanson “Ang Panginoon Ang Aking Pastol” de Noel Cabangon?
La chanson “Ang Panginoon Ang Aking Pastol” de Noel Cabangon a été composée par MARTIN BRAMMER, COLETTE VAN SERTIMA, BENJAMIN BARSON.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Noel Cabangon

Autres artistes de Asiatic music